Wednesday, 1 January 2025

Isang Paglalakbay sa Kaligayahan (Sulatin 3)



    Ang tunay na kaligayahan ng bawat pamilya ay hindi nasusukat sa dami ng kayamanan o sa laki ng bahay, kundi sa init ng pagmamahalan at pagkakaisa ng mga miyembro nito. Ito ay sa pagsasama-sama sa hapag-kainan, sa pagtawa at pag-uusap, sa pagtulong sa isa't isa sa mga oras ng pangangailangan, at sa pagsasalo ng mga tagumpay at pagkabigo. 

    Ang bawat pamilya ay nagdiriwang ng ibat ibang okasyon sa buhay. Hindi ba ito ang isa sa mga tunay na kaligayahan? Walang mamahaling ari-arian, hindi mayaman, o 'di kaya'y makabagong kagamitan. Pamilyang buo ang isa sa mga tunay na kaligayahan sa ating buhay. Ito ay sa pagtanggap at pag-unawa sa bawat isa, sa pagpapatawad at paglimot sa mga pagkakamali, at sa pagpapahalaga sa mga simpleng sandali na ginugugol nang magkakasama. 

    Sa kabuuan, ang tunay na kaligayahan ng pamilya ay hindi sa materyal na kayamanan, kundi sa pagmamahalan, pagkakaisa, at pagsasama-sama. Ang mga simpleng sandali, ang pagtulong sa isa't isa, at ang sama-samang pagdiriwang ay nagbubuo ng mga alaalang nagdadala ng tunay na kaligayahan at nagpapatatag ng mga ugnayan. Ito ang mga pundasyon ng isang tahanang puno ng pag-ibig at saya.


No comments:

Post a Comment

Hiraya ni Mia Alfonso

Princess Mhelyn Anne Baleza G11- STEM 1   Enero, 2025   I. PANIMULA  A. PAMAGAT       Ang nobela ni Binibining Mia, ang salitang Hiraya mism...

Iniibig Kita